Saturday, September 29, 2012

MGA KLASE NG NAGVIVIDEOKE


Laging mayroong isang naaatasang pumindot ng numero.

Laging mayroong matakaw sa mic.

Laging mayroong hindi mo mapapakanta.

Laging mayroong nakikisabay sa pagkanta pero tapatan mo ng mic ay titigil siya.

Laging mayroong gustong laging makipag-duet.

Laging mayroong sintunado.

Laging mayroong mali ang tiyempo.

Laging mayroong mambibitin, yung tipong hindi tinatapos ang kanta.

Laging mayroong emotera, yung tipong crying while singing ang drama.

Laging mayroong makata, yung tipong wala sa tono at parang nagde-declaim lang

Laging mayroong song and dance ang drama.

Laging may weirdo, yung tipong ang kakantahin eh siya lang ang nakaka-alam (para siguro walang kaagaw sa mic).

Laging mayroong hindi kakanta kung wala pang tama, pero bibirit at makikipag-agawan pa ng mic  pag lasing na.

Laging mayroong feeling Jovit, Charice, Whitney, Martin, Gary., Allan Pineda, Diomedes Maturan, Matt Monro.

Laging mayroong mali ang basa sa lyrics o hindi marunong magbasa.

Laging mayroong walang ginawa kundi magbasa ng magbasa ng songbook pero hindi kakanta. Pag tinanong kung ano ang kakantahin, sasabihin wala sa songbook gusto niyang kanta (kahit libo-libo ang pagpipilian)

Laging mayroong nagsisimula ng pagkanta simula dumating ang videoke at siya pa rin ang kumakanta pag kukunin na ang videoke (kinabukasan o 24 oras).

Laging mayroong isang bihirang kumanta, pero pag bumirit, nganga lahat sa galing (ako yun!)