Friday, December 2, 2011

KABANATA


Ganoon na lang ba kabilis ang panahon,
Sa isang iglap lang ay di mo na malingon?
Mga pangyayaring biglang nagiging kahapon
Maya-maya lang ay matatapos na ang taon.

Ang Lunes lumilipas ng mabilis
Bawa't buwan ay parang food express.
Ang bawa't taon mabilis magbihis
Tumatakbo ng diretso at di lumilihis.

Ang ngayon ay magiging bahagi ng kahapon
Ang bukas darating at maglilimayon.
Karanasan at inaasam magiging alaala
Bahagi ng puso, malungkot man o masaya.

Igapos ko man ang aking kahapon
Yakapin ng mahigpit ang aking ngayon
Patuloy na tatakbo, patungo sa bukas
Orasan ng buhay, dagliang kakaripas.

Bakit nga ba kailangang balikan?
Mga kabanata ng ating kabataan.
Bakit di harapin ating bukas
Na tiyak darating, patungo sa wakas.

Kaya't huwag tayong mag-alinlangan
Sa ngayon, bukas o kahapon man
Ang buhay ng tao puno ng kabanata
Harapin lang ang hamon at talinhaga.

No comments:

Post a Comment